Monday, March 19, 2012

Most Kailangan ng Teamwork na Game Award

Pahipo naman, Pahawak naman, Wag diyan

Ito 'yong last invented game ng groups na nilaro namin for this sem at sobrang ang saya niya. Para siyang paper dance, actually. Natutuwa ako kasi sobrang competitive ng teammates ko. Parang lahat ng naging positions namin ay sobrang masaya at nakakatawa. Since kami 'yong third group, samin napunta mostly 'yong mga malalaki. Minsan advantage, minsan disadvantage. Tulad no'ng first round na si Sir Don at Charles ang gagawa ng position. Hahaha. Pero syempre malaking advantage din 'yon lalo na ng last rounds na lahat kami ay kasali na at konting paa lang dapat ang nakatapak sa floor. Naeven out 'yong mga magbubuhat at bubuhatin. Parang natry namin lahat ng awkward positions. Hahaha. Sobrang challenging din talaga 'yon lalo na sa mga nagbubuhat kasi 'yong iba sa kanila ay kailangan pang tapakan ang mga paa tapos kailangan pa nilang magbalance to think na may binubuhat pa sila. Pero sa huli, nanalo 'yong team namin! Hahahaha! Pagkapanalo namin, nakita ko rin 'yong ibang groups na iba 'yong style.

Siguro ang MVPs dito ay 'yong group namin kasi kami 'yong nanalo. Hindi ako makapili ng isa lang since team effort naman 'yon. Lahat nagshare ng strategies at lahat ginawa 'yong roles nila ng maayos. :)

Ang variation ko for this game ay dapat 'yong consecutive numbers ay magkakatabi sa formation. Dapat kahit papaano ay magkadikit sila. Mas challenging siya kasi hindi lang 'yong size and weight ang icoconsider pati 'yong number.




Most Ang Powerless Ko Award

Bato Balani

Kung dati may game na Feeling ko ay sobrang powerful ko, ngayon feeling ko ay sobrang powerless ko.

Naaalala ko na ito 'yong pinakaunang invented game na nilaro namin at naenjoy ko siya. Sobrang tricky niya in the sense na kailangan mong ilapit 'yong dalawang katabi mo sa post sa gitna pero hindi ka dapat mauna. Hindi ko tuloy alam kung susugod ba ako o magpapapigil na lang ako. Kaya hinayaan ko na lang magdecide ang 'yong mga katabi ko. Hahahaha Since halos lahat ng mga naging katabi ko ay mas malakas kesa saken, lagi akong napagtutulungang dalhin sa gitna. Kahit ano yatang pilit kong pigil sa kanila ay wala talaga akong kalaban-laban 'Yon talaga ang challenge do'n, ang kalabanin ang lakas ng dalawang tao. Ewan ko ba, feeling ko ang malas lagi ng pwesto kasi laging malalakas ang natatapat saken. Nakikita 'yong mga iba parang hindi naman masyadong gumagalaw sa mga kinatatayuan nila. "yong unang variation, medyo mas mahairap kasi nga gumagalaw 'yong itatag sa gitna. Pero after no'ng huling variation, naging mabilis na 'yong mga pangyayari. Nag-uunahan na lahat na makapunta sa gitna. Grabe! Sobrang bibilis nila. Hindi pa nga ako gumagalaw sa pwesto ko, nando'n na kaagad sila sa gitna.

Ang MVP ko for this game ay si Wes kasi siya 'yung laging visible sa gitna na nananaya at siya rin 'yung nakikita kong nauuna palagi nung last rounds ng game.

Ang variation ko for this game instead na nasa gitna ng bilog ang itatag ay nasa labas ng bilog at 2-3 sila. Ganun pa rin 'yong goal ng game. Dapat mapuntahan nila 'yong itatag ng hindi nasisira ang bilog.

Most Torture na Game Award

Cadena de Amor

Mahilig talaga ako sa mga game na nakakalabas ng sobrang energy. Nagsama-sama na lahat ng element na gusto ko sa isang game, 'yong torture ay 'yong kaba na hindi mo alam na baka may tumatarget na pala sa'yo sa likod. Physically challenging siya at the same time kailangan din bantayan niyo ang bawat kilos niyo kasi sa dami ng team sa paligid, magugulat ka na lang na ikaw na pala 'yong hinuhuli nila. Tapos sa sobrang taranta ko one time, may tinamaan ako sa likod ko at bumagsak pa ako sa sahig. Doon talaga mas nabuhay ang energy ko. Hahahaha. Grabe pa kung makahila 'yong iba kong classmates, parang may galit na kasama. Hahaha

Si Carol ang MVP ko kasi kahit ang payat niya, sobrang lakas niya. Siya talaga 'yong iniiwasan ng group namin.

Ang variation ko for this game ay magkakaroon ng element of loyalty. 'Yong mahuhuling player, instead na maging kakampi siya no'ng team na nakahuli sa kanya ay magiging spy siya ng original team niya. Isasabotage niya 'yong mga ginagawa ng team na kasama niya. 'yon na ang magiging role niya hanggang mag-end ang game. In the event na mahuli ulit siya ng original teammates niya, saka lang ulit siya magiging loyal sa mga kasama niya. Kailangan pa ring manghuli ng mga teams kasi ang group na may pinakamaraming members ang mananalo.

Most Favorite Game Award

May I Touch Your Hand

aka Romeo and Juliet. Actually, lately ko lang naalala na "May I touch your hand" ang pangalan ng game na 'to kasi " Romeo and Juliet" talaga ang tawag ko dito noon pa. Ito talaga yung pinakafavorite game ko na nilaro namin sa buong sem. Sobrang nakakalabas talaga siya ng energy at nakakawala ng poise. Ang saya lang kasi sobrang wild ng paligid. Para talagang kalaban ng pair ang buong mundo. Ang saya ng feeling na pigilan ang isang tao na parang handang gawin ang lahat matakasan lang kami. Hahaha. Siguro kaya talaga naging masaya 'yung game na iyon kasi sobra kung makapageffort 'yong pair sa gitna. At nakakadala rin 'yong mga side comments nila. Haha Tapos no'ng dinagdagan pa ng variation na may "third party", mas naging mahirap para saming pumipigil sa kanila kasi mas nakakataranta na bigla-bigla na lang susulpot. Nakakatuwa talaga 'yong element ng 2 circle kasi kailangan talaga observant ka at mabilis kumilos para hindi ka maisahan no'ng pair.

Siguro 'yong pinakamagaling na "Romeo" and "Juliet" ay sina Gilbert at Arianne. Sobrang nachallenge talaga kasi kami as "kontabidas" nung silang dalawa 'yong naghahabulan. Todo effort talaga sila na parang kaya nilang hamakin ang lahat magkasama lang sila (kahit itorture pa nila kami). Hahaha

Ang variation ko for this game ay may ilang members ng "kontrabida" ang secret ally ng pair tapos tutulungan nilang magtagpo 'yong pair. Pero dahil hindi alam ng ibang "kontrabida" kung sino yo'n ay paghihinilaan din nila ang isa't isa. Kapag nahuli nila kung sino 'yong taksil, kawawa siya. Pagtutulungan na rin siya nung iba. Hahahaha





Most Kalma Lang Award

Kanino Bato, Kay Darna

Isa din 'to sa favorite ko siguro kasi nagenjoy talaga ako sa mga teammates ko at 'yong mga ginamit naming techniques of deception. Hinati sa dalawang team 'yong buong class and half ng member ng isang team ay gagawing pawns at yung iba naman ay officials. Part ako ng pawn. Ang goal ng group namin ay hindi makuha ng kabilang team ang batong nakatago sa mga kamay namin. Poker face talaga. Sobrang masaya siya kasi natatawa ako sa mga naiisip ni JP (teammate ko) na strategy. Actually, pandaraya hindi strategy. Hahaha! Hindi naman namin ginawa pero nakakatawa pa rin. At sobrang cute pa ng chant na ginawa ng facilitators.

Kanino ba 'to? Bato sa buwan
Hanapin kung saan
Hindi kay Rico Yan
Kanino bato 'yan?

Kanino ba 'to? Bato sa buwan
Hanapin kung saan
Hindi sa kidney 'yan
Kanino bato 'yan?

Kanino ba 'to? Bato sa buwan
Hanapin kung saan
Baka kay Darna 'yan
Kanino bato 'yan?

Ang MVP ko siguro dito ay si Sakura kasi ang galing niyang magobserve kung sino samin talaga ang may hawak ng bato.

Ang variation for this game ay dapat hindi makikita ng officials ng opposing team ang pagttransfer ng bato habang may chant. Pure instincts lang ang gagamitin nila para mahuli kung sino talaga ang nagtatago ng bato.


Monday, January 23, 2012

Most Nakakaparanoid Award

Night and Day

Sa game na 'to, hindi ko maintindihan kung bakit gusto ng karamihan sa kanila yung manghahabol kesa sa hahabulin. Gustung-gusto ko talaga yung feeling ng hinahabol at kinakabahan na feeling ko ay mamamatay ako kapag naabutan nila ako. Hahaha. Nakakatuwa pang tingnan yung iba kong teammates (feeling ko isa rin ako dun) na tumatakbo pa rin kahit ang layo na namin sa territory line namin at sobrang safe na. Sobrang mas nag-eenjoy ako kapag kami yung hinahabol kasi mas may challenge at may suspense. Hindi ko kasi maramdaman yung sense of fulfillment sa pagtatag ng classmates. Hahahaha.

Ang MVP para sa akin ay si Saia kasi mabilis siyang tumakbo in the same way na ang dami niyang naitatag sa opposing team.

Ang variation ko for this game ay dapat magfoform ng isang line lang ang lahat ng players. Pagkakita ng symbol na night or day, saka sila magdedecide kung saan sila pupunta. Iwas gayahan. Mas nakakalito at nakakatawa.

Most Ang Daming Versions Award

Aswang-aswang

Ito na yata ang game na may pinakamaraming versions. At lahat ng version na yun ay naenjoy ko. Ang madalas na technique ng mga classmates ko (kasama ako) ay ang magtago muna sa gitna ng bilog at hayaan munang maubos ang nasa labas bago mag-effort na umiwas sa mga taya. Proven and tested naman siya kasi madalas na nasa last three ako sa mga natataya. Hahahaha. Yabang? Natutuwa talaga ako kapag nilalaro ko 'to kasi sobrang tumataas ang energy ko. Lagi akong takot na takot mataya at kinakabahan. Hahahaha

Hindi ko talaga napapansin ang iba kong classmates 'pag naglalaro ako nito dahil sa sobrang kaba. Sarili ko lang ang iniintindi ko. Lagi naman akong kasama sa last few people na natataya kaya tingin ko na deserve ko naman ang MVP dito (na naman! hahaha).

Sa dami nga variation na nakita ko ng ginamit dito, hindi ko na alam kung meron pang ibang magpapaexcite sa game na 'to. Siguro, kung mayroong dalawang team. Yung magkakampi, ang goal nila ay isave ang isa't isa. Yung magkakalaban, syempre ang tayain ang isa't isa. Mas magiging matagal yung game kasi may element ng save. Tapos minsan, malilito pa yung mga players kung sino ang teammate nila at hindi. Kapag inakala mong teammate mo yun tapos hindi pala, malas mo.

Most Tawa lang Ako ng Tawa Award

Lawin at Sisiw

Ito yung game na sobrang naenjoy ko kahit hindi ako masyadong nag-effort o kaya nachallenge. Since nasa gitna ako lagi ng thread, lagi lang akong nahihila ng hen. Tuwang-tuwang talaga ako kapag nadadrag ako ng sobrang bilis. Ang saya! Parang iyon iyong challenge, ang 'wag kumawala sa teammates kahit gaano kabilis ng mga pangyayari. Hahahaha. Sobrang challenging no'n para sa hen at sa dulong sisiw kasi kailangan nila ng tamang diskarte para mauna sila na maabot yung dulo ng opposing team. Tapos ang saya tingnan nung mga nasa huli na umiiwas sa hen. Kahit hindi naman ako yung nasa huli, sobrang natataranta ako at oa kung umiwas! Hahahaha.

Ang MVP ko ay sina Gilbert, Chares, at Saia kasi sila talaga yung magaling manghabol at magprotekta at the same time

Ang variation ko for this game ay iyong mga kumakawala (o nakakawala) sa thread ay hindi na pwedeng kumabit ulit dun sa binitawan (o nabitawan) nila instead magiging bagong set sila ng hen at mga sisiw. So kung nagsimula sa 2 teams ang game tapos may kumawala, magiging tatlo na yung team na maghahabulan. Mas challenging at feeling ko mas mag-eeffort silang kumapit ng mabuti sa dinudugtungan nila. Hahahaha

Most Ang Powerful Ko Award

Pusa't Daga

Dito sa game na 'to ko nafeel ang lakas ko. Ang role ko in all the rounds ay part ng taong bayan. Akala ko noong una walang effort ang gagawin ko. In contrary, ang dami naming ginawa at ang saya. Nakakatawa yung paggitgit namin sa isa't isa para protektahan yung daga. Feeling ko pa ay sobrang lakas ko kasi lahat yata ng nagattempt na makapasok sa magkabilang sides ko ay hindi lumusot. Hahahaha. Todo gitgit kung gitgit talaga. Kailangan din ng focus at alertness kasi hindi mo alam kung kelan ba aatake ang pusa. Tapos, sobrang nakakahawa pa ang energy ng mga kasama ko kaya kung anu-anong klaseng paghila, pagtulak, at pagbatak ang ginawa namin sa isa't isa. Ang saya lang kasi lahat kami ay game na game.

Ang MVP ko as daga ay si Arianne. Sa tao, AKO ulit!! Hahahaha


Ang variation ko for this game ay dapat magkakaroon ng LIHIM na kasabawat yung pusa na tutulong sa kanya. Iyong mga tao, magdududa sa isa't isa tapos kapag nafigure out na nila yung taksil, dun sila maglalagay ng extra protection. In other words, itotorture nila yung taksil sa paggitgit. (hahahaha. joke lang!)

Most Hiningal Ako Award

Berong-berong

Sa game na 'to dapat magpakainvisible ka sa simula para hindi ka mapagod katatakbo ng pabalik-balik. Sa haba ng game, sobrang hihingalin ka kung nagpapahabol ka ng nagpapahabol sa mga taya. Pero kahit hindi naman ako nagpapansin sa mga taya, grabe, sobrang hiningal pa rin ako kahit nung nagsisimula pa lang kami. Hahahaha. Ito rin ang game na feeling ko ay kalaban ko ang buong mundo (oa! hahaha) lalo na noong dalawa na lang kaming hindi natataya. Wala na talaga akong choice kundi tumakbo ng tumakbo. Sobrang saya lang especially kung ikaw yung hinahabol. Kahit mas nakakapagod, nakakahingal, at nakakalito, mas enjoy pa rin. Feeling ko kasi kapag nataya ka na (especially yung mga nasa gitna ng thread), ang boring na ng game kasi susunod ka na lang ng susunod sa naglelead sa inyo. Wala ng challenge.

Bukod sa sarili ko (hahaha), ang isa pang MVP dito ay si West. Sobrang bilis nya kasi talaga tumakbo at siya yata yung nanalo in both rounds.


Ang variation ko for this game ay by partner ang laro. Iyong magpartner dapat magkahawak ng kamay. Syempre mas nakakalito yun, mas riot, at extra challenging kasi dalawang utak at katawan na ang maglalaro as one.